Bakit Hindi Pumasok sa Top 3 si Maxine Medina sa Miss Universe 2016
- Allan A. Ortiz
- Feb 9, 2017
- 2 min read
Tunay na nakakakaba ang ganitong uri ng kompetisyon. Ang pressure nito lalo na't dito pa sa ating bansa ginanap ang Miss Universe.
Isa sa pinakamahigpit sa kompetisyon ang pagbibigay ng tanong o Question and Answer. Malaking kaba ang idinudulot nito sa mga kadedatang pumapasok sa bahaging ito ng kompetisyon. Gaya ko na sumabak na sa ganitong paligsahan, mahirap ibalik ang sarili mong diwa sa kompetisyon at sa kung ano ang pakahulugan ng tanong. Ngunit ito ang dapat matutuhan ng bawat kandidata ang ibalik ang diwa ng isip nila at magpokus sa kung ano ang tanong at dapat sagutin.
Sa kalagayan ni Maxine Medina, maganda na nagkaroon siya ng interpreter. Buo ang kumpiyansiya ko na masasagot niyang mabuti ang tanong. Ngunit laking dismaya ng lahat nang sinagot niya ang tanong sa Ingles. Oo, pinatunayan niya na kaya niyang magsalita sa wikang Ingles ngunit ang pagkuha ng interpreter ay nakapanghihinayang kung hindi niya ito gagamitin. Kung sinagot niya lamang ito sa wikang Filipino ay maaaring mag mabigyan niya ng mas mainam na sagot. Subalit sa pagsusuri ko sa kanyang tinugon ay mukhang nawala siya sa esensiya ng tanong na kung saan ito ay isang personal na tanong; sumasagot sa personal na karanasan. Ngunit ang hinihingi ay ang magandang naganap na pagbabago sa nakalipas na sampung taon. Oo, personal sa kanya ang Miss Universe na ginaganap sa bansa at ang pagsali niya rito ngunit ang inaasaahan ng mga tao kung paano niya napapansin ang mga pagbabago sa lipunan, sa kanyang bansa o sa mundo na may magandang idinulot. Ito rin ang isa sa hinahanap ng mga hurado kung paano nagiging mapanuri ang isang kandidata sa mga pagababagong nangyayari sa mundo at kung may hindi magandang nagaganap ay kung paano siya kikilos upang makatulong sa isang magandang pagbabago.
Hindi dapat natin sisihin si Maxine sa kanyang isinagot. Mahirap ang pinagdaraanan niya. Gaya ng sinasabi ng ilan na ang mga pageant ay may kaakibat na suwerte o luck. Gayong hindi siya pumasok sa Top 3, ipinagmamalaki pa rin ng kanyang mga kababayan si Maxine dahil pinatunayan niyang siya ay palaban at pinatunayan niya na maganda ang Pilipina.
Recent Posts
See AllAyon kay E. A. Manuel (1963), ang Hinilawod ng gitnang Panay ang pinakamahaba at pinakamagkakaugnay na epikong naitala sa Pilipinas....
I. Pamagat Ang Pigtas kong Tsinelas Ang pamagat ay nagpapahiwatig na ng kahirapan ng isang batang musmos. Mula sa pamagat ay makikitra...
“Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang...
Commentaires